Saturday, February 18, 2012
Unofficially Yours (Cathy Garcia-Molina, 2012)
@sineasta: Despite the contrivance and too much drama, ayos ang Unofficially Yours!
@sineasta: Question lang sa Unofficially Yours: So pano na ang pangarap at naghihintay na trabaho sa Singapore kay Ces? Dedma na dahil sa "love"?
@ANGELsLegions: implied =)
@sineasta: Is love the be all and end all of every human existence?
@sineasta: @ANGELsLegions implied, so di na siya aalis? dahil ito sa pag-ibig? ito ang ideology ng pelikula. iiwan ang lahat ng babae para sa love.
@megmarc: @sineasta pwede oo, pwede hindi. pwede naman sila magsama sa SG eh.
@sineasta: @megmarc it's very bituing walang ningning. nasa panahon uli tayo na sinasabing iiwan ng babae ang lahat para sa lalaki.
@megmarc: @sineasta survival and the pursuit of happiness.:-D
@sineasta: @megmarc false happiness, eh. so all along, ang pinaghihirapan niya para sa singapore ay pagtatago lang sa tunay na
@sineasta: @megmarc nabasa mo na review ni phil dy? natumbok niya! "Nice Isn't Everything"
@megmarc: masyadong unique si ces. walang drama. konti lang ang ces sa tunay na buhay. madrama ang pinay or women in general lalo na pinay.
@sineasta: @megmarc tama ka riyan! pero sa huli, she succumbs to stereotype! na lalaki lang din ang magpapaamo sa kanya at magpapalambot.
@sineasta: @megmarc maganda naman siya as a movie. na-enjoy ko. but beyond that, ano ang sinasabi sa atin ng pelikula? ano ang tinuturo niya?
@megmarc: @sineasta ang lesson for me is not to give up on love diba. yung sinabi ng mommy ni ces sa kusina.:-D
@sineasta: @megmarc yes, but at the expense of what? complicated ang situation nila kasi nga aalis siya. yet sa dulo, parang her dreams don't matter na
@megmarc: @sineasta hmmm. hanging naman yun. the ending i think was ces opened herself to another love. love over career ba yun? not sure.
@sineasta: @megmarc love over career? kitams. yun ang ideology na sinasabi ko esp pagdating sa babae. sila ang nag-give-up ng career. very bituin nga.
@sineasta: @megmarc pwede naman sa dulo, magpahaging. macky will ask, "teka, aalis ka pa ba?" tas sasagot si ces na pag-iisipan niya. kahit pahaging lang
@sineasta: @megmarc just to show na may options siya bilang tao at bilang babae. na hindi siya nakatali sa pag-ibig lang.
@megmarc: @sineasta shet. sobra ang analysis mo. hehehe! deep.:-D
@sineasta: @megmarc ganyan ang turo sa film sch esp ni nick tiongson! mas delikado raw ang ideology ng mga nakakaaliw na pelikula kc di mo mapapansin
@megmarc: @sineasta that's the role of critics i guess or scholars. Movies are there to entertain pips. Bonus na yung mapaisip or mamulat ang audience
@sineasta: @megmarc pero ingat din. kasi the more na paulit-ulit mo napapanood ang ganitong tema, the more napapasok sa subconscious mo 'yung ideologies
Thursday, July 28, 2011
The Parallel Lives of Insiang and Isla
Kung itinuring ko ang Silip na porn version ng Himala, ang Isla ang sa Insiang.Kung sakaling sipagin, I might write something about Himala and Silip, but for now, here's my take on how Insiang's and Isla's lives (and the people around them) intersect with one another.
Setting
Insiang (Hilda Koronel) lives in a squatter's area. Masikip, masukal, maputik, at matao ang lugar nila. Maski ang tirahan nila ng kanyang ina ay tinutuluyan ng mga kamag-anak noong umpisa. Everywhere you go, there's people. Ang lakas maka-asthma attack! Mahirap huminga. Mahirap gumalaw. Kita ng lahat ang kilos mo. Pinagpipiyestahan. Ginagawang almusal.
Si Isla (Maria Isabel Lopez) ay nakatira sa isang isla. Napalilibutan ng malinis na tubig na di tulad ng lugar nina Insiang kung saan upang magkaroon ng tubig ay kailangang mag-imbak sa tuwing may tulo sa gripo o pumila sa pag-iigib sa poso. Kina Insiang, may ilog man, madumi ito at walang buhay.
Bilang isang isla, ang lakas maka-claustrophobic ng lugar nina Isla. Malayo ito sa kabihasnan. Kakailanganin pa ng bangka upang lisanin ito. Tatlo man lang din sina Isla sa bahay kasama ang kanyang lolo at lola, lubhang nasisikipan siya rito. Tila sinisilaban ang kanyang pagkatao sa tuwing nananatili siya rito. Paraiso ang tingin ng isang dayo rito. Subalit hindi para kay Isla.
Katulad nang sa squatter's area, magkakakilala rin ang mga tao sa isla. Mayroon silang pinapanatiling conservative values, at sa tuwing magkakamali ay kinukumpisal nila ito sa paring dumadalaw sa kanila minsan sa isang buwan. Minsan ito ay nagiging facade na lamang. Taliwas ang sinasabi sa ginagawa. Kaiba sa mga tao sa squatter's area kung saan what you see is what you get ang drama nila. Walang kiyeme. Walang arte.
DesireIisa lamang ang nais nina Insiang at Isla, ang magkaalis sa kani-kanilang lugar at magpakalayo-layo sa mga taong pinaliliit ang kanilang mundo. Maski ang kani-kaniyang dahilan ay di nalalayo sa isa't-isa.
Si Insiang ay nasasakal at nasusuklam sa kanyang ina na si Tonya (Mona Lisa). Simula nang iwan sila ng kanyang ama para sa ibang babae ay naging malupit na ito sa kanya. Dala siguro ng labis na pagmamahal ang labis na pagkamuhi ni Tonya sa kanyang asawa. Ang kanyang muhi ay nabubunton niya sa anak nang di niya namamalayan. Because of that, Insiang learns to resent her even more especially when Tonya brings Dado (Ruel Vernal), her lover, home.
Naiipon ang mga sama ng loob ni Insiang at nag-iigting lalo ang ninanais niyang paglayo. Gagawin niya ang lahat upang makaalis sa pusaling kinaroroonan niya. Dagdag pa rito ay ang dahilang pinagnanasahan siya ni Dado.
Si Isla naman, bagama't nakakaramdaman ng pagmamahal mula sa kanyang lolo Kadyo (Joseph de Cordova) at lola Gare (Angie Ferro), ay napapaso sa kaniyang pinaglalagyan. Bata pa lamang siya ay hinihipuan na siya ng kanyang lolo. Hindi niya magawang magsumbong sa kanyang lola dahil ang pakiramdam niya ay di siya pakikinggan nito. Bilang isang taong may mataas na pinag-aralan sa paaralan at tinitingala sa isla, mataas ang tingin ni Gare sa kanyang asawang si Kadyo. Kaya katulad ni Insiang, nagpupuyos din ang damdamin ni Isla na makalabas ng isla.
Action Taken
Nang gabing gahasain ni Dado si Insiang at di paniwalaan ng kanyang ina, nilapitan niya ang kanyang kasintahang si Danny (Rez Cortez) upang itanan siya. Alam niya na malaki ang takot nito kay Dado, but she takes the risk. She feels desperate. Wala na siyang makapitan.
The night she gives herself to Danny, she cries. Iniyakan niya ang puring iningatan niya na kinuhang pilit ni Dado at kusang ibinigay na kay Danny. Iniyakan niya ang pag-asang naglaho. Iniyakan niya ang kalayaang hindi buong magiging kanya.
Subalit sadyang walang bayag si Danny. Iniwan siya nito nang walang pasabi matapos makuha ang kanyang pagkababae.
She returns home and decided to take her fate into her own hands. Hindi na siya aasa sa iba upang makamit ang kanyang gusto kahit pa may purong pag-ibig na inaalok ang kanilang kapitbahay sa kanya.
Deadma sa iisipin ng iba at sasabihin ng kanyang ina, kumabit siya kay Dado. Kay Dado na nakipagrelasyon lamang sa kanyang ina upang maangkin siya. Kay Dado na lubha niyang kinamumuhian. Kay Dado na nangakong mag-aahon sa kanyang sa putikan. Kay Dado na siyang dahilan ng pagkalublob niya sa naturang putikan.
Si Isla naman ay ginamit na kasangkapan ang kanyang katawan upang makamit ang kanyang ninanais. Una niya itong ibinigay kay Aldo (Paquito Diaz) na nangakong isasama siya sa paglisan nito sa kanilang isla. Iiwan na nito ang kanyang asawa. Gayunpaman, nang malaman niyang may kinasamang iba ang kanyang asawa, nagwala ito at napatay ng kalaguyo ng kanyang asawa.
Masamang-masama ang loob ni Isla. Ang ticket na binayaran niya paalis ng isla ay naglaho. Inamin niya sa hepe (Vic Diaz) ang kanyang ginawa. Pinahiwatig niyang sasama siya sa kanya basta ipaalam lamang nito ang oras ng kanyang pag-alis. Tempted, the officer told her where he is staying and when he is planning to leave.
Once again, Isla offers herself to the officer. Pero hindi niya nakayanan ang nais nitong ipagawa sa kanya. She gets out of the deal by hurting herself.
When she gets home, lola Gare tells her na hindi nila tunay na anak ang kanyang ama. Inampon nila ito upang matigil na rin ang pangungutya ng pagiging baog na nakukuha niya kay Kadyo. Feeling both opressed, Isla hugs her and cries.
May dumating na NPA sa isla. Nakilala niya si Sonny (Joel Torre) na gusto nang tumiwalag sa grupo at magkapamilya. Sagot sa kani-kanilang dalangin, ninais nilang magsama. Subalit nang sila ay palayo na, nabaril at napatay ng militar si Sonny.
Naging desperado nang lalo si Isla. Sa pangako ng kanyang lolo na dadalhin siya sa Maynila ay bumigay siya. Siya na lang ang nakikita niyang pag-asa sa lumalala niyang sitwasyon. Maaaring naisip niyang hindi naman sila tunay na magkadugo, hinayaan na niya ang kanyang lolo na angkinin ang kanyang katawan nang tuluyan.
With such desperation, who will be saved and get to have the freedom she wanted, and who will continue to suffer with the actions she has taken?
Conclusion
Inamin ni Insiang kay Tonya ang relasyon niya kay Dado. Hindi ito matanggap ni Tonya. When she witnesses how loving Dado is to Insiang, she takes her scissors and stabs him in the back several times. Insiang then frees herself from both her mother and Dado. Nakulong si Tonya at namatay si Dado.
When she visits Tonya in prison, Insiang expresses her love to her mother. Pero matigas si Tonya. Hindi niya makuhang magpahayag ng pagmamahal sa anak. Nakakulong siya sa pagkamuhi at galit sa mga taong nangloko at nanakit sa kanya.
Insiang walks out of the prison. Malaya na sa kanyang ina...
Di tulad ni Tonya, nang makita ni Gare ang ginagawa ng asawa sa apo, hindi niya makuhang magalit ng harap-harapan dito. Bagkus ay pinagbuntunan niya ng galit ang koleksiyon nitong plaka. Sinira at binasag isa-isa. Subalit sadya nga yatang mahal niya si Kadyo ng sobra-sobra kaya maski sarili niyang kamatayan ay gusto niyang ang asawa ang magpataw sa kanya.
Samantala, punong-puno naman ng pagnanasa si Kadyo kay Isla na handa niyang iwan si Gare para sa itinuturing na apo. Sakay sa ferris wheel dala ng karnabal ng araw na iyon, inatake sa puso si Kadyo habang kasama si Isla.
With that, Isla frees herself. Nagtampisaw siya sa dagat nang nakahubad at nagpagulong-gulong...
Dalawang mukha ng babae, iisa ang nais. Sino ang naging tunay na malaya sa kanilang dalawa?
Dalawang mukha ng kamusmusan ng kababaihan, niyurakan ng malisya ng mga kalalakihan. Sino ang tunay na nagwagi sa laban niya?
Sa larangan ng pag-ibig, sino ang tunay na nagmahal at sino ang nagpaalipin kina Tonya at Gare?
Sa pelikulang nagsasalamin ng lipunan, sino ang nagtagumpay? Si Lino Brocka ba para sa Insiang (1976, sa panulat ni Mario O' Hara) o si Celso Ad Castillo para sa Isla (1985, sa panulat ni Jose Javier Reyes)?
Ang Isla ay supposedly representation ng bansang Pilipinas at ng mga taong sumakop at gumamit dito. Patuloy na niyuyurakan ang kanyang dangal ng mga dayuhan at maging ng sarili niyang mga tao, simbahan, at gobyerno. In that respect, naipahayag ni Castillo ang nais niyang iparating.
Pero bilang isang tao si Isla at isang pelikula, maraming naging pagkukulang si Castillo. Ang mga tauhan niya ay alipin ng kanilang desires of the flesh. Lahat ng kalalakihan ay nagnanasa kay Isla at halos lahat ng kababaihan ay nakatuon sa kanilang makamundong pagnanasa. Walang nag-iisip. Walang nakakaramdam. Maski mismong si Isla ay gagawin ang lahat upang masunod lamang ang kanyang gusto kahit pa ibigay ang sarili sa kung sinu-sino.
Porn, first and foremost, ang pelikulang ito kaya naging secondary na lamang ang katauhan ng mga karakter nito. Pilit na nagpapakalalim, pero superficial lamang ang lahat katulad ng mga karakter na umiinog dito.
Si Insiang naman ay nagsasalarawan ng mga kababaihang pilit na iniingatan ang sarili at pinagbubuti kahit pa di ito sumasang-ayon sa kaniyang kapaligiran. Hindi siya nagpapakalugmok sa kinakasadlakang lusak, bagkus ay lumalaban at pinagtatanggol ang sarili. Hindi siya alipin ng kanyang pagnanasa.
Monday, June 20, 2011
Cathy Garcia Molina's Forever and a Day (2011)
Thursday, April 21, 2011
You Again (2010)

Watching You Again brings me back to the times of watching Desperadas Parts 1 & 2 where good and able actors act desperately to save a desperate film. The concept was good enough, but it wasn't backed up by a good script. They had to rely on poorly-written antics and jokes that bordered on slapstick most of the times. Further, its heart was not in the right place. When the characters tried to make amends at the end, you'd barely feel for them. Even the main bully (Odette Yustman) in the film didn't know where to place herself properly. She seems to be suffering from split-personality wherein she goes back and forth into being a good person and a bully.
The last scene, though, between Betty White's and Cloris Leachman's characters were more interesting than the rest of the film. Too bad that it was just part of the epilogue. They had better lines than the main characters.
Wednesday, April 20, 2011
Olivia Lamasan's In the Name of Love (2011, Trailer)
I am not loving the trailer. Parang TH mag-elicit ng tamang reaction sa audience. It's too melodramatic for my taste. If not because it was an Olivia Lamasan film, I would totally lose all hope on the film. But because of her, I still have my reservations on it. Pero andu'n ang dating sa akin na parang basta lang maipalabas ang pelikula kaya ito tinapos.
Aga Muchlach looks old and tired. He has been doing the same roles over and over again and has the same exact look in his eyes in every film! After Sa Aking Mga Kamay, he has never done any anti-Aga role. Kulayan man niya ng jejemon color ang buhok niya, siya pa rin si pa-tweetums Aga since Bagets days.
Angel Locsin looks plump and uninspired. Walang buhay ang kanyang mga mata.
Jake Cuenca looks misplaced.
I wish I am wrong. We have yet to see the film on May 11. Pero sana lang, lagyan naman ng buhay ang trailer. Ang luma-luma, eh.
Thursday, March 31, 2011
Isang Kuha sa "Anak" (2000)
Ito ay mula sa pelikula ni Rory Quintos.Natapos na ang madamdaming paghaharap nina Vilma Santos at Claudine Barretto bilang isang ina at anak na may kinikimkim na sama ng loob sa isa't-isa. Ibinuhos ni Vilma ang kanyang nararamdamang pangungulila kay Claudine sa mga panahong wala siya sa bansa. Humingi siya ng pang-unawa sa anak.
Matapos nang mabigat na tagpong iyon ay nagsumamo si Claudine sa ina. Simpleng pagtitimpla lang niya ng kape ay nangangahulugan na na humihingi siya ng tawad. Ito ang kanyang peace offering. Ito ang kanyang pagtaas ng white flag.
Pinaliwanag niya ang kanyang nararamdaman. Humingi rin ng tawad si Vilma sa kanyang mga naging pagkukulang sa anak.
Umiyak si Claudine. Sa eksenang ito ay maaaring hinayaan niya lang tumulo ang kanyang luha. O di kaya'y panahid ng kamay ang luha. Subalit pinili ni Rory Quintos ang ganitong kilos. Bakit kaya?
Dito lumabas na kahit pa maraming pinagdaanan si Claudine sa kanyang buhay, nananatili siyang bata na nangangailangan ng kalinga ng kanyang ina. Para siyang isang bata rito na nagsusumbong sa kanyang ina; naghihintay na yakapin siya upang maibsan ang sakit ng kanyang kalooban. Ito naman talaga ang kanyang hinaing sa ina. Wala ito sa mga panahong nagdadalaga siya at nangangailangan ng gabay ng ina. Nahinog siya nang pilit. Magkagayu'n man, di niya ito matatakasan. Babalik at babalik siya sa pagkabata.
Ganito ka-importante ang isang galaw sa pelikula. Parang isang painting na naglalaman ng malalim na kahulugan. A good director knows that.
| Reactions: |
Monday, March 28, 2011
Pagbabasa sa Isang Eksena ng "Ang Lalaki sa Buhay ni Selya" (1997)
Ang eksena na ito sa pelikula ni Carlos Siguion Reyna na Ang Lalaki sa Buhay ni Selya ay nagmumula sa eksena kung saan inalok ni Ramon (Ricky Davao) ng kasal si Selya (Rosanna Roces). Nangungulila si Ramon sa pag-alis ng kanyang lover, samantalang masama ang loob ni Selya sa di pagpapakita sa kanya ng kanyang kasintahan. Nasa krisis siya ng kanyang buhay--kung lilinasin ba ang lugar na iyon o tatanggapin ang alok ni Ramon. Ang magiging desisyon niya ang magpapabago ng kanyang buhay.
Sa boarding house na tinitirhan niya na pinamamahalaan ng tiyahin ni Ramon na si Piling (Eva Darren) ay nagbalik siya. Binabasa niya ang sulat ng kasintahan habang kumakapit sa kanyang alaala. Sa labas ng silid ay ang kanyang mga boardmates na lalaki, nag-iinuman at nagkakasiyahan ng umagang-umaga.
Pumasok si Piling. Binulyawan ang mga kalalakihan. Pinuntahan niya sa silid si Selya, tiningnan sandali. Bilang isang pakialamerang tiyahin ni Ramon at kasera ni Selya, kinuha niya ang isa sa mga sulat at pilit na bubuksan upang basahin. Pinigil siya ni Selya. Isa siyang pribadong tao at ayaw niyang pinakikialaman ang kanyang buhay. (Sa mga susunod pang eksena, magbabago ang ugali niyang ito. Magiging bukas siya at bulgar.)
Winika ni Piling na piliin ni Selya si Ramon. Nagtawanan ang mga kalalakihan sa labas. Hindi ito sadya. Nagkataon lamang ito at sinasabing mali (at katawa-tawa) ang suhestiyon na iyon ni Piling.
"Ano bang klaseng lalaki ang hanap mo?" ang retorikal na tanong ni Piling. "Katulad nila," referring to the men outside, "katulad ni Bobby?"
Walang maisagot si Selya.
Tumayo si Piling. Isasara na niya sana ang pinto upang bigyan ng privacy si Selya, subalit hindi niya itinuloy. Gusto niyang ipamukha ang uri ng mga lalaking nasa labas kay Selya.
Nagpatuloy ang ingay ng mga kakalakihan. Narindi si Selya. Tumayo siya at isinara ang pinto. Kasabay nito ang paggawa niya ng desisyon. Hindi na niya tatanggapin ang mga ganoong uri ng mga lalake sa kanyang buhay. Isasara na niya ang Bobby chapter sa buhay niya. Pipiliin na niya si Ramon, isang matino at disenteng lalaki.
Titigil ang eksena sa anino ni Selya sa isang puting dingding. Ito ay nangangahulugang hindi ito talagang pagsasara sa kanyang buhay, bagkus ay hahabulin siya ng kanyang magiging desisyon na parang isang anino. Nagdedesisyon siya sa dilim; nang walang kasiguraduhan. Kapag dumating ang puntong haharap na siya sa anino ng kanyang buhay ay maaari siyang tumakbo sa kanyang desisyon o panindigan ito.



